BEFORE TUMBLR, FACEBOOK at DOTA

chankulet:

DAHIL SA PAG TAMBAY KO KANINA NAPAG NILAY NILAYAN NAMING MAGKAKAIBIGAN ANG MGA KAGANAPAN NOONG KAMI AY MGA BATA PA LAMANG

********************STARTS HERE**********************

  • PATINTERO

-nilalaro na halos buong kalye ang sakop mo wahaha at dito uso ang term na EMPOL isang area sa playing grounds na bawal tumapak ang mga manlalaro kung sila ang tumatakbo at tinataya

  • TUMBANG PRESO

-minsan ung kung sino unang taya siya na habang buhay wahaha :)) balagoong

  • HOLEN/JOLEN

-isa ko sa mga tinaguriang hasler salarong ito tandang tanda ko pa tsinelas ko madalas gamiting rampa sa laro namin.tandang tanda ko pa pag clear ang holen ang value nya eh 2 pag ung puti 5 pag may stripes lang sa loob 1 lang daw un

  • TEXT

-aminado ako haha iba iba variation ng txt namin ewan ko lang sa ibang lugar ha may malalaki(isa sa mga naunang txt eh GHOST FIGHTER)ung maliliit ung blanko ung likod mga comics ang nakalagay example BUWANG. dito ginagamit ang kakaibang talento sa pag sukat ang DANGKAL haha

  • PIKO

-piko oo piko hinde ko pwedeng ideny na marunong ako magpiko wahaha ang pamato dito eh saging o kya tansan na lalagyan ng lupa o kya putek wahaha

  • TURUMPO

-naku po haha naalala ko pa ang basagan at bagsakan ng bato pag natalo ka sa laro ninyo

  • LANGIT LUPA

-haha the all time favorite langit lupa impyerno im im impyerno haha

  • FIVE TEN BLOCK 1 2 3 

-commonly known as agawan base haha nako talo naman kami lagi sa mga athletic type na mga tambay wahaha

  • SILI SILI

-ito ay isang laro kung saan ang taya ay manghuhuli ng manlalaro at sasabihing SILI at ang manlalarong un ay hihinto at mag pose na parang naaanghangan para mapagalaw siya ang ibang manlalaro ay tatapikin siya at bibigkasin ang TUBIG

  • GOMA

-oo sa ayaw mo at sa hinde nauso ang laro na may kinalaman ang GOMA sa lugar namin kung saan tansan na pinukpok ang mga gilid paloob ang gamit bilang mga pato na parang gagawing txt ihahagis at kung ano ang lumabas siya ang panalo

  • TANSAN

-weirdo na kung weirdo wahaha sa lugar namin ang mga tansan mula sa ibat ibang uri ng inumin mapa POP COKE o kahit MATADOR may kanya knyang VALUE kapag pinaglalabanan

  • BANTSAK/BANSAK

-ito ang modified version ng tagu taguan kung saan ang taya ay kailangang tapikin at sabihing ang katagang TSAK pag nagawa un ng kahit isa sa mga manlaalro taya uli ang taya wahaha. ang basihan ng pagkataya ay depende sa napagusapan kung sino unang nakita oh ung huli

  • TAGU TAGUAN

-kawawa naman siguro ako kung di ko naexperience ang larong ito napa common HIDE and SEEK in english

  • TOM SAWYER

-ito ay laro na patatagan ng likod ng mga kasapi ng isang grupo. ang tayang grupo ay hihilera na nakahawak sa baywang ng kakampi at yuyuko. ang mga hinde taya ay tatalon sa likod nila hanggang lahat ng miyembro ay nakatalon ng hinde nahuhulog sila ang panalo

  • LUKSONG BAKA/TINIK

-isa sa mga most challenging na laro sa mga taong di magaling sa luksuhan at di kaya ang katawan lulundag ka gamit ang kamay mo para malampasan nag iasng balakid na may level level gamit ang katawan ng taya. may modified version din nito ang mga bata dito gayahan ng moves sa tumbling ang trip kapag nag luluksong baka dapat magaya ng lahat ang mauunang manlalaro kung hinde matataya ka

****************mamaaring dugtungan*******************

KUNG KAYO AY MAY KAKAIBA RING MGA LARO AT ANG IBA AY DI KO PA NABANGGIT MAARI NIYO ITONG IREBLOG :)

6 notes

  1. pogingkalansay reblogged this from okaykabachan
  2. okaykabachan posted this